Monday, 29 August 2016

Buwan Ng Wika

 Kada Agosto, ang “Buwan ng Wika” ay isa sa mga pinaka-aabangang kaganapan sa lahat ng mga paaralan, mapa-elementarya, sekondarya, at maging sa kolehiyo. Isa itong mahalaga na pangyayari sa atin dahil, ito ay nag-papaala sa atin na mahalin ang ating bansa. Ayon sa Komisyon ng Wikang Filipino (KWF), ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay Filipino: Wika ng Pambansang Kaunlaran.” 
 Sa pagdidiriwang ng Buwan ng Wika ay. ang lahat mapa-estudyante at guro ay inaatasang mag salita sa wikang Filipino at magsuot ng pangpilipinong kasuotan. May iba't ibang kasuotan dito sa iba't ibang rehiyon. Ang sinuot ko noong Buwan ng Wika ay ang kimona at patadyong. Naglalaro rin kami ng iba't ibang pangpilipinong laro.
Ang Kimona at Patadyong na sinuot ko noong pagdidiriwang namin ng Buwan ng Wika.

  Ang Kimona at Patadyong ay isang tradisyonal na Filipino kasuotan sa mga babae na isinusuot sa panahon ng ani sa larangan. Ang Kimona ay galing sa Visayas. Ito ay gawa sa Pina Jusi. Hindi kumpleto ang Kimona kung walang kasamang isang tela na hugis-parihaba na galing sa West Visayan na balutin sa baywang na tinawag na patadyong. Ang patadyong ay katulad ng malong na ginagamit sa Mindanao. Pero sa malong may batik na huwaran ito at sa patadyog ito ay may checkered na huwaran.

  
Kami lahat ng mga kaibigan ko ay nagsusuot ng Kimona at Patadyong.


Naglalaro kaming mga babae ng Luksong Tinik

Naglaro kami ng bahaw-bahaw



No comments:

Post a Comment